1. Home
  2. Lipunan
  3. Paglahok sa Komunidad

Airdrie Public Library natanggap ang metal signature ni Rizal mula sa NCAA

Nag-donate din ng mga libro ang Pilipinas sa Airdrie Public Library

Isang grupo ng mga tao nagpakuha ng litrato kasama ang metal signature ni Rizal.

Consul General Zaldy Patron (gitna kaliwa) at Deb Cryderman, Direktor ng Airdrie Public Library (gitna kanan), kasama si Airdrie City Councillor Tina Petrow (pangalawa mula kaliwa), Deputy Consul General Victorio Dimagiba Jr. (kanan), at iba pang mga opisyal ng Airdrie Public Library sa turnover ng Rizal metal signature.

Litrato: Philippine Consulate General Calgary

RCI

Natanggap ng Airdrie Public Library mula sa Philippine National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang isang brass metal signature ni Dr. Jose Rizal.

Ang metal signature ng pambansang bayani ng Pilipinas, isang donasyon ng National Commission for Culture and the Arts, ay ilalagay sa Rizal Meeting Room ng bagong gusali ng naturang library na inaasahang magbubukas sa publiko sa Hunyo 2025.

Ginawa ng National Commission for Culture and the Arts ang donasyon pagkatapos ng isang pagpupulong sa pagitan nina Consul General Zaldy Patron at National Commission for Culture and the Arts Chair Victorino Manalo sa Maynila noong Pebrero 29, kung saan iminungkahi ni Patron ang pagbibigay ng metal signature ng pambansang bayani sa Airdrie Public Library upang ma-enhance ang prestige ng Rizal Meeting Room ng nabanggit na library.

Ang item na ito ay pinadala mula Maynila patungo sa Philippine Consulate General sa Calgary bago ito ibinigay ni Consul General Patron kay Deb Cryderman, direktor ng Airdrie Public Library, sa isang simpleng seremonya sa library noong Abril 23.

Nasaksihan ang event nina Councilor Tina Petrow ng Lungsod ng Airdrie at ang mga officer ng Knights of Rizal chapters sa Airdrie at Calgary sa Alberta, Canada.

Ang pagpapangalan sa Dr. Jose Rizal Meeting Room sa Airdrie Public Library ay isang proyekto ng Knights of Rizal at pinangunahan ng kanilang Airdrie Chapter.

Nais kong pasalamatan ang National Commission for Culture and the Arts para sa paggawa ng donasyon na ito sa Airdrie Public Library na mas magdaragdag ng katanyagan sa Rizal Meeting Room ng library sa paparating na gusali, ani Consul General Patron.

Ang Nose Creek Regional Park ng Airdrie ay tahanan din ng monumento ni Dr. Jose Rizal, isang proyekto na inumpisahan at pinangunahan ng Philippine Consulate General sa Calgary at isinagawa kasama ang Airdrie City Council, Filipino Airdrie Association, at Rizal Monument Project Team.

Inilahad sa publiko noong Oktubre 23, 2021, ang National Historical Commission of the Philippines itinalaga ang monumento bilang isang Philippine historical site noong Hunyo 19.

Kaugnay na ulat

Hango sa news release ng Philippine Consulate General - Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita