1. Home
  2. Politika
  3. Mga Politikal na Krisis

Mga estudyante nagtayo ng pro-Palestinian protest sa kampus ng University of Windsor

Ang protesta nakiisa sa iba na nasa kampus ng mga Canadian na unibersidad

Isang sign na nagsasabing 'Liberation Zone' sa harap ng gusali.

Isang pro-Palestinian encampment ang sumulpot sa University of Windsor campus ngayong Huwebes.

Litrato: CBC / Jennifer La Grassa

RCI

Isang koalisyon ng mga estudyante ang nagtayo ng pro-Palestinian protest sa harap ng Dillon Hall ng University of Windsor ngayong Huwebes ng hapon.

Ayon sa isang news release, ang liberation zone ay binubuo ng koalisyon at nananawagan sa unibersidad na ideklara ang kanilang oposisyon sa okupasyon ng Israel at sa nagpapatuloy na genocide laban sa mga Palestinian na tao.

Iniimbestigahan ng International Court of Justice kung ang Israel ay gumawa ng mga akto ng genocide sa nagpapatuloy na digmaan sa Gaza, na ang anumang ruling ay inaasahan na ilang taon pa ang lilipas bago dumating. Itinanggi ng Israel ang mga alegasyon na ito ay nagkasala at inakusahan ang korte na may kinikilingan.

Humigit-kumulang isang dosenang tao ang nasa naturang lugar sa ngayon at nandoon din ang campus security.

Business cannot continue as usual, sinabi ng isang estudyante sa CBC News na hindi ibinigay ang kanyang pangalan. We stand here in solidarity students across the world calling for the same thing: our money and our education cannot and should not fund the death of Palestinians.

Ang protesta ay nakikiisa sa iba pang kampo na itinayo nitong huling tatlong linggo sa mga kampus sa buong Canada at Estados Unidos, kasama ang McGill ng Montreal at Metropolitan universities ng Toronto, ang University of British Columbia at University of Toronto.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita