- Home
- Pandaigdig
- Mga Armadong Labanan
Canada nagpataw ng sanction sa defence minister ng Iran matapos ang pag-atake sa Israel
Ang mga sanction ipinataw sa dalawang Iranian na institusyon at dalawang military leader
Tina-target ng Canada ang defence minister ng Iran sa pamamagitan ng isang round ng mga sanction pagkatapos ng pag-atake sa Israel nitong unang bahagi ng buwan.
Ang mga sanction ay ipinataw sa dalawang institusyon at dalawang military lider, at dumating isang linggo pagkatapos sabihin ni Foreign Affairs Minister Melanie Joly na ang Canada ay tatargetin ang mas maraming Iranian.
Si Iranian Defence Minister Mohammad-Reza Ashtiani at ang pinaka-senior na military body ng bansa ay parehong inilista sa bagong mga sanction, ipinataw kasabay ng mga bansa tulad ng Estados Unidos at U.K.
Ang sanctions sumunod sa mga missile at drone na pinalipad ng Iran sa Israel noong Abril 13 sa una nilang direktang pag-atake sa bansa.
Naganap ito pagkatapos ng isang airstrike sa embahada ng Iran sa Syria na malawak na iniuugnay sa Israel.
Ang mga sanction pinagbabawalan ang mga tao at entidad mula sa pagpasok sa Canada o pagkakaroon ng anumang ekonomikong pakikitungo sa Canadians.
Kaugnay na mga ulat
- Pag-atake ng Israel sa embahada ng Iran sa Syria puminsala sa embahada ng Canada
- Canada walang alinlangan na kinondena ang pag-atake ng Iran sa Israel
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.