1. Home
  2. Lipunan
  3. Paglahok sa Komunidad

Alkalde ng Calgary ipinahayag ang suporta para sa Filipino Restaurant Month

Hindi pa tapos ang sarap at saya sa Filipino Restaurant Month

Isang grupo ng tao nagpakuha ng litrato sa look ng restawran.

Consul General Zaldy Patron (pangatlo mula kanan), Calgary Mayor Jyoti Gondek (pang-apat mula kanan) at ang mga may-ari at staff ng Amihan Grill and Bakeshop.

Litrato: Philippine Consulate General Calgary

RCI

Bumisita kamakailan si Calgary Mayor Jyoti Gondek, kasama si Consul General Zaldy Patron at mga miyembro ng Philippine Cultural Center Foundation at Knights of Rizal, sa Amihan Grill and Bakeshop, isa sa siyam na restawran na lumahok sa Filipino Restaurant Month in Canada (FRMC).

Sa buong Canada, may 44 restawran na pagmamay-ari ng mga Pilipino sa 21 siyudad at siyam na probinsya ang lumahok sa ikatlong Filipino Restaurant Month in Canada sa buong buwan ng Abril ngayong taon.

At kahit malapit na matapos ang Filipino Restaurant Month in Canada, maaari pa rin kayo kumain at manalo ng mga exciting na premyo.

Bisitahin ang https://www.filipinorestaurantmonth.ca/ (bagong window)

Kaugnay na mga ulat

Hango sa news release ng Philippine Consulate General sa Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita