1. Home
  2. Lipunan
  3. Transportasyon

Backlog sa mga reklamo ng air passengers sa Canada mas tumaas

Sinabi ng Canadian Transportation Agency na pinoproseso nila ang mga reklamo nang mas mabilis

Isang eroplano pababa sa paliparan.

Sinabi ng Canadian Transportation Agency na naiproseso na nito ang mahigit 11,000 na reklamo mula Setyembre — halos kasing dami ng naiproseso noong nakaraang taon.

Litrato: CBC / Daniel Thomas

RCI

Sinabi ng transportation regulator ng Canada na nagkaroon ng progreso sa pagtugon sa compensation claims laban sa mga airline mula nang ipakilala ang bagong complaint resolution process noong huling taglagas — ngunit ang mga papasok na reklamo ay itinulak ang backlog sa new high.

Ang Canadian Transportation Agency (CTA) — isang quasi-judicial tribunal at regulator na naatasang ayusin ang alitan sa pagitan ng airlines at customers — ay nahaharap sa backlog ng mga reklamo ng air passengers mula nang ipakilala ang mga bagong regulasyon noong 2019.

Ang mga regulasyon na iyon nire-require ang isang airline na bigyan ng kompensasyon ang mga pasahero kapag ang flight ay naantala o nakansela para sa rason na kontrolado pa ng airline.

Ang mga pasaherong sa tingin nila ay hindi patas na tinanggihan ng kompensasyon ng isang airline ay maaaring dalhin ang kanilang mga kaso sa Canadian Transportation Agency.

Ang mga bagong hakbang upang gawin ang complaint process na mas efficient ay naging epektibo noong Setyembre.

Sinabi ng Canadian Transportation Agency na sa mga buwan mula noon, nakapagproseso na sila ng mahigit 11,000 na reklamo — halos parehong bilang ng naproseso noong nakalipas na fiscal year.

Ngunit sa kabila ng bagong proseso, ang backlog ngayon ay naabot ang isang new high na mahigit 71,000 na hindi pa natutugunang mga reklamo.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Kaugnay na ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita